^

PSN Palaro

PAL Intersports magbabalik

-
Makaraan ang apat na taong pamamahinga, muling magbabalik ang Philippine Airlines Intersports competition na magdaraos ng kanilang 24th edisyon sa Cebu City sa huling bahagi ng buwan ng Agosto.

Tatakbo ang multi-sport athletic meet para sa mga business executives mula sa iba’t ibang PAL domestics points simula sa Agosto 31 hanggang Setyembre 2, 2001 sa Alta Vista Golf and Country Club. Tema ngayong taon na ito ng competition ay "Welcome Back!"

Aabot sa 8 koponan na kakatawan sa nasabi ring bilang ng mga siyudad ang magpapakita ng aksiyon sa anim na opisyal na events at limang non-bearing games.

Ang mga kalahok ay ang Bacolod Executives, Iloilo Executives, Manila Executives, Cagayan de Oro Executives, Bomberos de Davao, Caballeros de Zamboanga, Los Hermanos de General Santos at hosts Los Jefes de Cebu.

Ang mga kalahok mula sa Cagayan de Oro at Gen. Santos ay ngayon pa lamang magsasagawa ng kanilang debut sa tournament na ito.

Ang lahat ng 8 koponan ay maglalaban-laban para sa events ng basketball, golf, badminton, bowling, volleyball at tennis.

Mayroon ding parallel competitions sa demonstration sports ng billiards, darts, table tennis, dance sports at chess. Gayunman ang magiging resulta nito ay di ibibilang para sa overall title.

AGOSTO

ALTA VISTA GOLF AND COUNTRY CLUB

BACOLOD EXECUTIVES

CEBU CITY

GENERAL SANTOS

ILOILO EXECUTIVES

LOS HERMANOS

LOS JEFES

MANILA EXECUTIVES

ORO EXECUTIVES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with