Lumasap ang 19-anyos na si Tanamor, kuma-kampanya upang maduplika man lang ang best finish ng Philippines na silver medal ng 25-20 kabiguan sa mga kamay ng Romania’s na si Marian Velicu sa kanilang light flyweight bout matapos na maging mainit sa unang dalawang rounds.
"Sayang sir. Medyo naudlot ako sa unang dalawang round at nang maghabol na ako, tumakbo naman siya," pahayag ni Tanamor na bumagsak sa 7-17 deficit matapos ang dalawang rounds.
Nagawang makipagsabayan ni Tanamor sa third round upang ibaba ang kalamangan sa 18-22, ngunit hanggang dito na lamang ang kanyang nagawa nang magsimulang maglaro ng beteranong Romanian na nakarating sa quarterfinals ng Sydney Olympics noong nakaraang taon ng hide-and-seek game sa final round.
Ang iba pang miyembro ng fourman squad na ipinadala rito ng Philippine Sports Commission, Pacific Heights at Adidas Phils., ay para palakasin ang kanilang preparasyon para sa nalalapit na Southeast Asian Games .
Nakarating hanggang second round sina Violito Payla at Arlan Lerio, habang natalo naman sa kanyang unang laban si Anthony Igusquiza.