^

PSN Palaro

Pacquiao hahamunin si Lebwaba para sa IBF title

-
Ito ay opisyal na.

Makaraan ang ilang linggong negosasyon, sa wakas pumayag na rin si International Boxing Federation (IBF) junior featherweight champion Lehlohonolo Ledwaba ng Soweto, South Africa na itaya ang kanyang korona kontra sa Filipino challenger na si Manny Pacquiao sa Hunyo 23 sa MGM Grand sa Las Vegas.

Sinabi kahapon ng abogadong si Sydney Hall sa THE STAR sa isang overseas phone call na naiselyo ang naturang deal ni promoter Murad Muhammad matapos na ang orihinal na challenger ni Ledwaba na si Enrique Sanchez ay umatras sanhi ng injury.

Si Muhammad ang kumatawan kay World Boxing Council (WBC) superwelterweight titlist Javier Castillejo na magdedepensa naman ng kanyang korona kontra kay Oscar de la Hoya sa main event ng nasabi ring card.

Garantisado na ang 22-anyos na si Pacquiao ng $40,000 premyo para sa nasabing laban na ipalalabas sa pay-per-view TV sa America. Ito ang ikaanim na pagdedepensa ni Ledwaba sa kanyang titulo na napagwagian sa pamamagitan ng decision laban kay John Johnson sa Hammanskraal noong 1999.

Sinabi naman ni Pacquiao sa isang telephone interview na handa na siyang makipaglaban. At noong isang araw siya ay nakipag-sparr sa 10 rounds sa tatlong magkakaibang kalaban na kinabibilangan ni Augie Sanchez.

Hawak ni Ledwaba ang 33-1-1 record na may 20 KOs na kilala rin siyang body puncher. (Ulat ni Joaquin Henson)

AUGIE SANCHEZ

ENRIQUE SANCHEZ

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

JAVIER CASTILLEJO

JOAQUIN HENSON

JOHN JOHNSON

LAS VEGAS

LEDWABA

LEHLOHONOLO LEDWABA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with