^

PSN Palaro

Impresibo ang debut ni Ward

-
Pinakahuli nang nagkaroon ng import ang Mobiline Phone Pals ngunit maaaring si Jeron Ward ang pinakamagaling sa 10 imports ngayon sa PBA Commissioners Cup.

Pinahanga ng 6’5 na si Ward ang lahat sa kanyang debut game sa paghakot nito ng 61 puntos upang ihatid ang Mobiline sa 93-87 panalo kontra sa Ba-rangay Ginebra sa pag-usad ng eliminations sa PhilSports Arena.

"He made my job easier," pahayag ni coach Louie Alas. "Pero first game pa lang yan. Maraming teams na magaling mag-double kaya we have to learn how to adjust sa doubling ng ibang teams."

Si Ward na apat na araw pa lamang dito sa bansa at tatlong beses pa lamang nakakapag-ensayo sa Mobiline ay may 11-of-22 mula sa tres bukod sa kanyang 16 rebounds, 1 assists, 2 steals at 3 blocks.

Ito na ang pinaka-eksplosibong debut ng isang import sa loob ng pitong taon matapos kumana ng 62 puntos si Mitchell Wiggins noong 1994 at 64 kay Billy Ray Bates sa Crispa noong 1983.

Matapos ang 68 pagtatabla, isang 17-4 pro-duksiyon ang pinakawalan ng Mobiline upang iposte ng 85-72 kalamangan nang itala ni Ward ang kanyang ika-11 at huling tres, 2:54 ang oras sa laro.

Si Ward ang first choice ni Alas para maging import ngunit hindi pa ito naging available kaya’t sinubukan ng Mobiline sina Harold Ellis at Shawn Simpson ngunit nabakante si Ward kaya’t di nagdalawang isip si Alas na kunin ito.

Maganda ang ipinakita ni import Ryan Fletcher na tumapos ng 31 puntos, 17 rebounds at 5 assists para sa Ginebra bukod pa sa 22 at 16 puntos ni Jun Limpot at Mark Caguioa, ayon sa pagkakasunod ngunit nasapawan nga lamang ng 25-gulang na si Ward.

Humataw sa kaagahan ng labanan si Ward nang humakot ito ng 33 puntos sa first half 19 sa first quarter at 14 sa ikalawang yugto upang ihatid ang Mobiline sa 46-37 kalamangan matapos ang dalawang quarters.

Buhat sa 9-2 kalamangan ng Ginebra, naa-gaw ng Phone Pals ang trangko sa 18-15 matapos ang 16-6 run, 14 nito ay galing kay Ward na umiskor ng apat na tres sa tagpong ito.

Hindi naman nagpabaya si Fletcher upang iangat ang Gin Kings sa 24-21 ngunit ang tres ni Ward ang nagtabla sa iskor sa 24-all.

Umabanteng muli ang Ginebra sa 33-30 ngunit isang 26-4 atake ang pinakawalan ng Mobiline para sa 9 puntos na kalamangan, 47-37 papasok sa second half.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang defending champion San Miguel Beer at ang bagong kapatid na kumpanyang Purefoods TJ Hotdogs.

Magpapakitang-gilas din ang kani-kanilang mga import na sina David Wood at Nate Johnson na kapwa mga baguhan sa PBA.

vuukle comment

BILLY RAY BATES

COMMISSIONERS CUP

DAVID WOOD

GIN KINGS

GINEBRA

HAROLD ELLIS

JERON WARD

MOBILINE

SI WARD

WARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with