^

PSN Palaro

Masakit na pagkatalo para sa Pinoy boxers

-
Masakit na kabiguan ang nalasap ng Team Philippines nang tatlo sa kanilang mga boxers ang nakatikim ng talo sa World Amateur Boxing Championships dito sa Odyssey Arena.

Nalasap ni lightweight Anthony Igusquiza, na kakaakyat pa lamang sa ibabaw ng lona ng 16-27 talo mula sa mga kamay ng beteranong Olympian na si George Lungu ng Romania sa 60-kg. division makaraang matalo rin si Violito Payla, 15-14 decision sa kamay naman ni Vardan Zakarjan ng Germany sa flyweight division kung saan natamo rin ni Olympic gold medalist Maikro Romero ng Cuba ang 20-21 pagkatalo kontra Volodymyr Sydorenko ng Ukraine.

At upang kumpletuhin ang kahihiyang inabot ng Nationals sa araw na ito, binugbog ni Suriel Rotas ng Dominican Republic ang isa sa pinakamahusay na pambato ng bansa na si Arlan Lerio, 14-10 sa flyweight class.

Dahil sa pagkatalo ng tatlong miyembro ng koponan, tanging si Harry Tanamor na lamang ang nalalabi upang ipagpatuloy ang kampanya ng bansa sa kauna-unahang ginto sa World Championship na ito.

Makakaharap ni Tanamor, nakakuha ng bye sa preliminaries si South Korean Lee Kyung Yeh sa Miyerkules (Huwebes ng umaga sa Manila) sa 19-man light flyweight category kung saan kailangan ng Filipino na manalo ng hindi bababa sa dalawang bouts upang makakuha ng medalya.

"This is really a sad day for us. All the losses were heartbreaking one. Violito (Payla) fought the German with a sore left shoulder sustained while training this morning. Anthony (Igusquiza) and Arlan (Lerio) gave their best shot but their opponents were really good," pahayag ni RP delegation head at Amateur Boxing Association of the Philippines president Manny Lopez.

"However, the losses certainly gave our boxers some new lessons and more experience. Now, we only have Harry (Tanamor) to carry on the fight for the Philippines," dagdag pa ni Lopez.

Tangka ng four-man squad na ipinadala rito ng Philippine Sports Commission, Pacific Heights at Adidas Phils., na magiging training na rin ng Filipinos sa nalalapit na Southeast Asian Games sa Malaysia ngayong Setyembre, na malampasan ang tinapos na silver medal ni Roel Velasco sa Budapest, Hungary noong 1999.

ADIDAS PHILS

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ANTHONY IGUSQUIZA

ARLAN LERIO

DOMINICAN REPUBLIC

GEORGE LUNGU

HARRY TANAMOR

MAIKRO ROMERO

MANNY LOPEZ

ODYSSEY ARENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with