Siguradong muling aasahan ng Blades sa kanilang misyon ngayon ang apat na manlalaro mula sa Manila Metrostars na siyang naging susi ng Batangas sa kanilang unang panalo, 84-81 kontra sa defending champion Andoks San Juan Knights noong Linggo.
Samantala, nais naman ng Knights na makabawi mula sa kanilang natamong unang kabiguan sa nakatakldang pakikipagtipan kontra sa Nueva Ecija Patriots sa unang laro dakong alas-3 ng hapon.
Babanderahan ni Rommel Adducul ang opensa ng Blades katulong sina Eddie Laure, Stephen Antonio, Alex Compton at Tonyboy Espinosa.
At para naman sa Lakers, nandiyan sina Jeffrey Flowers, Chris Nicdao, Chris Clay, Junel Mendiola at Biboy Simon para supilin ang kabila.