Titulo sa 16-under ibinulsa ni Santos
June 5, 2001 | 12:00am
PUERTO Princesa--Binigyan ni Cristina Santos ng kasiyahan ang kanyang mga kababayan nang itala ang 6-0, 6-0 panalo kontra kay Michelle Leoncio ng Brookes Point upang ibulsa ang korona ng girls 16-under bracket sa pagsasara ng 2001 Milo Junior Tennis Cup and Regional Workshop noong Linggo sa PPCTC hardcourts.
Nakisosyo sa karangalan ni Santos sina Mark Balce, Jopy Mamawal, Allan Ordinario, Cyrus Dabon, Gretchen Vasquez at Jhun Ventura sa Milo netfest na ito na inorganisa ng Childrens Tennis Workshop at suportado ng Adidas at Sports Kids.
Binokya ni Balce si Chynna Mamawal, 6-0, 6-0 upang iuwi ang unisex 10-under trophy, pinasuko naman ni Jopy Mamawal si Balce, 6-4, 4-4 sa boys 12-under class diadem.
Pinayukod ni Ordinario si Ryan Gabinete, 6-1, 6-2 para sa korona ng boys 14-under division, naungusan ni Dabon si Rafael Abiog, 6-2, 4-6, 6-1, nasilat ni Vasquez si Chynna, 6-0, 6-0 sa girls 12-under class at ginapi ni Ventura si Mark de Guzman , 6-1, 6-3 sa boys 21-under class event.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 23, 2024 - 12:00am