Pinay booters vs Singapore team sa football tourney
June 4, 2001 | 12:00am
Masusubok ngayon ang tikas ng national women’s team kung saan haharapin ng Filipina booters ang Singapore ngayon sa pagbubukas ng Philippine Football Federation invitational champion sa PhilSports pitch sa Pasig City.
Nakatakda ang sagupaan sa dakong alas-7 ng gabi kung saan sabik na ang nationals na ipakita na sila’y karapat-dapat na ipadala sa Kuala Lumpur Southeast Asian Games sa Setyembre sa pamamagitan ng impresibong laban kontra sa Singaporeans.
Ang aksiyon ay bubuksan naman ng NCR Selection at Guam sa alas-5 ng hapon.
Inimbita upang saksihan ang importanteng pakikipag-laban ng Tricolors sina Philippine Olympic Committee president Celso Dayrit, Philippine Sports Commission chairman Carlos Tuason at Commissioners Cynthia Carrion na siyang nangangasiwa sa women’s sports, Richie Garcia, Amparo Lim at William Ramirez.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended