^

PSN Palaro

Shark vs Giv sa unang slot ng PBL Chairman's Cup

-
Pag-aagawan ng magkapatid na kumpanyang Shark Energy Drinks at Giv Soap ang nakatayang unang finals slot sa pagbubukas ng kanilang crossover semifinals ngayon sa 2001 PBL Chairman’s Cup sa Makati Coliseum.

Kailangan lamang ng Power Boosters na maipanalo ang kanilang laro ngayong alas-5:30 ng hapon upang makamit ang kanilang ikatlong pagtapak sa finals mula ng kanilang bilhin ang prangkisa ng Chowking noong nakaraang taon.

Sa kabilang banda, nangangailangan naman ang Soap Masters ng da-lawang panalo bago makarating sa kanilang kauna-unahang finals appearance mula ng lumahok ang DSS Product-makers sa liga noong 1998.

Sa kanilang personal na record, tabla lamang ang dalawang koponan kung saan unang namayani ang Shark sa 53-50 noong nakaraang Abril, ngunit nagawang bumawi ng Giv ng umiskor ito ng 76-63 upset na panalo noong nakaraang Mayo 15.

Di Gaya ng Shark na lalaro na buo ang kanilang puwersa, hindi ma-aasahan ng Giv ang serbisyo ni Edwin Bacani na sinuspindi ng isang laro bunga ng kanyang punching foul kay Nurjamjam Alfad ng PharmaQuick, may 3:09 ang nalalabi sa second period.

Samantala, aasintahin naman ng Regent Cheese Balls ang kani-lang unang finals slot kontra sa University of the Philippines-Waterfront sa pagbubukas ng semifinals ng 1st Crystal Spring PYBL Title Cup.

Haharapin ng Cheese Balls ang Hoteliers sa alas-3:30 ng hapon. (Ulat ni Maribeth Repizo)

vuukle comment

CHEESE BALLS

CRYSTAL SPRING

DI GAYA

EDWIN BACANI

GIV

GIV SOAP

KANILANG

MAKATI COLISEUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with