Giv semifinalist na sa PBL Chairman's Cup
June 3, 2001 | 12:00am
Tuluyan nang napasakamay ng Giv Beauty Soap ang ikaapat at huling semifinals slot nang kanilang maungusan ang Pharmaquick sa kanilang sudden death match sa pamamagitan ng 70-68 panalo sa PBL Chairmans Cup kahapon sa Makati Coliseum.
Bunga ng panalong ito, makakaharap ng Soap Experts ang no. 1 team na Shark Energy Drinks sa crossover semifinals habang ang isa pang semis match ay ang paghaharap ng no. 2 team na Ana Freezers at ang no. 3 na defending champion Welcoat paints.
Ayon sa format, ang no, 1 team ay haharap sa no. 4 at no. 2 kontra sa no. 3 at ang top two teams ay kapwa nag-tataglay ng bentaheng twice-to-beat.
Dahil dito, isang panalo lamang ang kailangan ng Power Boosters at Freezers Kings upang makausad sa finals ha-bang dalawang panalo naman ang kailangan ng Giv at Paint Masters.
Nasayang ang pagpupursigi ng Pharmaquick na umahon mula sa 8-point deficit at makahabol sa 68-70 matapos ang tres ni Jun Canoneo, 1:35 ang oras sa laro.
May tsansa pa sanang makahirit ng overtime ang Drug Experts ngunit kap-wa pumaltos ang free throws ni Leo Avenido, gayundin ang isang lay-up ni Dacia, 28 segundo ang oras sa laro.
Tuluyan nang nasiguro ng Soap Experts ang panalo nang ma-rebound ni Francis Sanz ang nagmintis na jumper ni Marlon Legaspi hanggang sa tumunog ang final buzzer.
Hindi naging malaking kawalan sa Giv ang pagkaka-thrown-out kay Edwin Bacani sa first quarter bunga ng kanyang panununtok kay John Alfad.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest