Nauna rito, nakikipag-ayos ang Tanduay Rhum sa Pop Cola hinggil sa isang trade na kasasangkutan nina Rene Hawkins Jr., at Nelson Asaytono. Ibig ng Rhummasters na hugutin si Ballesteros sa naturang deal, ngunit pumalag ang Panthers.
Bunga ng impresibong performance ni Ballesteros, nangungunang kandidato para sa karera ng Most Improve Player award ngayong season sa nakalipas na All-Filipino Cup, siya ay na-promote na bilang starter at malaki ang maitutulong nito sa Panthers sa opensa.
At dahil sa biglang pagtaas ng kanyang exposure at mga itinalang puntos, siya ay umusad sa ika-30th ng statistical race para sa Most Valuable Player award.
Ayon kay Pop Cola coach Vincent "Chot" Reyes, si Ballesteros ay isa sa napaka-importanteng piyesa ng Panthers sa hinaharap sa dahilang ito ay bata pa. Matatandaan na nakuha ng Pop Cola si Ballesteros mula sa Pampanga Red Dragons sa pagbubukas ng 2000 Governors Cup.
Sa katunayan, may isa pang koponan ang interesado kay Estong, ngunit di ito binigyang pansin ng Pop Cola.
Ngunit dahil sa sangkot na ngayon sina Hon-tiveros at Cantonjos na bata rin na gaya ni Ballesteros, siguradong kakagatin ng Panthers ang inilalakong trade ng Tanduay.
Posibleng si Hontiveros ang bumalikat ng posisyon ng beteranong si Jojo Lastimosa sa susunod na taon sa dahilang balak ng mag-retiro ng 1988 Rookie of the Year at may posibilidad na maging assistant coach na lamang siya ng Panthers sa susunod na season.
Si Cantonjos naman ang magbi-bigay ng karagdagang lakas sa Panthers at magiging kapalit ni Edward Juinio sa All-Filipino sa kabila ng presensiya ng mga malalaking tao na gaya nina Cris Bolado at Jovito Sese. Gayunman may agam-agam pa rin sa kalusugan ni Cantonjos dahil sa kanyang injury sa tuhod. (Ulat ni AC Zaldivar)