^

PSN Palaro

UP-Waterfront nagpalakas

-
Higit pang pinalakas ng University of the Philippines-Waterfront ang kanilang kampanya para sa twice-to-beat incentive sa crossover semifinals matapos na itakas ang 60-55 panalo kontra sa University of Assumption-Goldilocks kahapon sa 1st Crystal Spring PYBL Title Cup sa Makati Coliseum.

Humakot si Michael Bravo ng 25 puntos kabi-lang ang apat na triples ang siyang ginawang sandigan ng Hotellers sa kanilang ikapitong panalo matapos ang siyam na laro.

Ang panalo ng Hotellers ang siyang naglaglag sa Cake Experts sa ikaapat na puwesto sanhi ng 5-4 karta na dahilan upang magkaroon ng kumplikadong sitwasyon sa Group B top team para sa huling semis slot.

Nagsalpak si Roel Galura ng dalawang free throws mula sa foul ni Bravo para itabla ang iskor sa 54-all may 55.4 segundo ang oras.

Sa iba pang laro, tinalo ng defending champion Boysen-MLQU ang Regent, 65-61, habang inilampaso naman ng Whiz Super Oil Treatment ang National University, 94-72. (Ulat ni Carol Fonceca)

CAKE EXPERTS

CAROL FONCECA

CRYSTAL SPRING

GROUP B

MAKATI COLISEUM

MICHAEL BRAVO

NATIONAL UNIVERSITY

ROEL GALURA

TITLE CUP

UNIVERSITY OF ASSUMPTION-GOLDILOCKS

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with