PharmaQuick nalagay sa alanganin
May 30, 2001 | 12:00am
Inilagay ng Montana Pawnshop sa alanganing posisyon ang PharmaQuick nang kanila itong gulantangin sa pamamagitan ng makapagil hiningang 60-58 panalo sa penultimate day ng quarterfinals ng PBL Chairman’s Cup sa Makati Coliseum.
Nagtapos ang Jewelers na may 4 panalo sa 8 pakikipaglaban habang nagkaroon ng sagabal sa pakikipaglaban ng Drug Specialists para sa huling slot sa semifinal round.
Matapos malasap ng PharmaQuick ang ikalimang kabiguan sa 12 laro sa Group B, nagkaroon ng tsansa ang Hapee Toothpaste na makahirit ng playoff para sa no. 1 slot ng naturang grupo na may karapatang lumaban sa no. 4 team ng Group B patungo sa semis round.
Ang Teeth Sparklers na kasalukuyang may 6’5 record ay maaaring ma-katabla sa Drug Specialists at makakuha ng playoff kung magagawa nilang igupo ang Osaka Iridologists sa pagtatapos ng quarterfinal round bukas.
Halos abot kamay na ng PharmaQuick ang tagumpay na magsisiguro ng kanilang pagkopo sa no. 1 slot ng Group B, ngunit nakawala ito nang pumukol ng tres si Aries Dimaunahan, 11.2 se-gundo ang oras na nalalabi upang agawin ng Montana ang kalamangan.
Bagamat may pagkakataon ang PharmaQuick na agawin ang panalo, nauwi sa wala ang kanilang huling posesyon nang magmintis ang apat na attempts at kung pumasok man ang huling pagtatangka ni Gerard Jones ay hindi na ito umabot sa oras.
Unang nagpakawala si Canoneo, ngunit nagmintis ito at agad naman itong na-follow-up ni Leo Avenido. Hindi pa rin lumusot ang attempt ni Avenido nakuha naman ng kanilang kasamahang si Bruce Dacia na nabigo ring maikunekta ang kanyang basket hanggang sa tuluyan nang tumunog ang final buzzer.
Habang sinusulat ang artikulong ito, kasaluku-yang naglalaban ang Ana Freezers at Giv Beauty Soap kung saan ang mabibigo ang siyang magiging No. 4 ng Group A na kakalabanin ng magtata-pos na No. 1 team sa Group B. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended