^

PSN Palaro

Ateneo-Pioneer ibinaon ng Osaka sa PBL Chairman's Cup

-
Lalo pang ibinaon ng Osaka Iridology ang mahigpit na karibal na Ateneo-Pioneer Insurance sa ilalim ng standing matapos na ipadama ang 67-54 kabiguan kahapon sa no-bearing game ng quarterfinal round ng PBL Chair-man’s Cup sa Makati Coliseum.

Impresibong performance ang ibinigay ni Rommel Daep sa huling bahagi ng ikatlong canto nang tagpasin niya ang 37-pagtatabla ng iskor at simulan ang isang uma-atikabong atake.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Osaka matapos ang 64-53 pamamayani kontra sa Montana Pawnshop noong Huwebes na siyang tumapos sa kanilang nine-game losing streak sa kabayanihan ni Daep.

Humakot si Daep ng 13 puntos, pito nito ay mula sa third quarter upang pamunuan ang Iridologists, bago muling nagpakawala ng dala-wang tres upang tuluyan ng ilayo ang Osaka.

Nabalewala ang kinanang 15 puntos ni Reiner Sison matapos na mawalan ng suporta sa kanyang mga kasamahan dahilan upang isara ng Ateneo-Pioneer ang kanilang kampanya sa kumperensiyang ito sa 2-10 win-loss slate.

vuukle comment

ATENEO-PIONEER

ATENEO-PIONEER INSURANCE

DAEP

HUMAKOT

HUWEBES

MAKATI COLISEUM

MONTANA PAWNSHOP

OSAKA IRIDOLOGY

REINER SISON

ROMMEL DAEP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with