^

PSN Palaro

Pinoy patuloy ang pagpapasiklab

-
DARWIN, N.T., AUSTRALIA--Patuloy pa rin ang pagpapasiklab ng Philippine delegation sa 2001 Arafura Games na nasa ikaanim na puwesto ngayon habang anim na boxers din ang inaasahan na susulong sa finals.

Hindi na umaasa pa ang RP Team na makatanggap ng mga medalya nang bigla naman itong napasakamay ng dalawang RP boys na tubong Cebu noong nakaraang Huwebes.

Ang magkapatid na James at Oswaldo Dumoran ang kumuha ng ginto para sa boys lawn tennis team competitions na nagsilbing unang ginto para sa Southern Queen City sa Arafura Games.

Pinormalisa ng RP-A boys ang panalo sa pamamagitan ng pagpapatumba sa kanilang kababayan mula RP-B (Davao Oriental) 2-1 na ginanap sa Darwin Tennis Center habang nilampaso nito ang mga kalabang, East Timor-1, Northern Territory, East Timor-2 at RP-B.

Bitbit ngayon ng RP Team ang 4 na golds, 6 na silvers at patuloy pa rin ang pananatili nito sa Top Ten overall habang bumabandera pa rin ang Australia dala ang 219 golds, 200 silvers at 165 bronzes.

Samantala, sa Miyerkules ng gabi, anim na boxers mula sa RP Davao at RP Cebu--sina lightweight Rico Laput, flyweights Franklin Albia at Welbert Eballes, bantamweights Deck Varron at Ninolito Jalnaiz, at featherweight Jesar Ancajas--ay tutungo sa finals matapos talunin ang kani-kanilang mga kalaban.

ARAFURA GAMES

CEBU

DARWIN TENNIS CENTER

DAVAO ORIENTAL

DECK VARRON

EAST TIMOR

FRANKLIN ALBIA

JESAR ANCAJAS

NINOLITO JALNAIZ

NORTHERN TERRITORY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with