PYBL Title Cup: Assumption yuko sa Regent
May 25, 2001 | 12:00am
Nakopo ng Regent Cheese Balls ang pansa-mantalang pamumuno sa puwesto nang kapusin ang University of Assumption na maungusan ang kalaban, 75-73 sa pagbubukas ng quarterfinal round ng 1st Crystal Spring-PYBL Title Cup sa Makati Coliseum.
Tila walang gustong bumitaw sa dalawang koponan nang biglang magpakawala ng tres si Joshua Ramirez ng Regent, 20.1 ang nalalabing oras sa laro, hudyat ng kalamangan sa iskor, 75-72.
Muntik sanang makatabla ang Cake Experts subalit isang free-throw shot lamang ang naibuslo ni Welihado Duyag, 4.7 ang oras na nasundan pa ng dalawang pagmimintis sa free-throw ni John Rittis sa pagtatapos ng laba-nan.
Sa magkatuwang na puwersa nina Arwind Santos at Ramirez na nagtala ng 13 at 11-puntos ayon sa pagkakasunod, nagawang itakas ng Snack Experts ang ika-anim na panalo sa 8-laro at ipalasap sa Assumption ang ikatlong talo sa 8-laro.
Umangat ang Regent sa pangkalahatang pamumuno matapos 62-39 panalo ng defending champion Boysen-MLQU kon-tra sa UP-Waterfront, dahilan para umangat sa pamumuno ang Regent.
Pinangunahan ni Edilito Saygo ang Paintboys sa paghakot ng 13-puntos upang makamit ng Boysen-MLQU ang 5-3 win-loss slate. (Ulat ni Carol Fonceca)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest