Sa womens division, nanaig naman si Jeanette Lee kontra Karen Corr, 7-4 upang ibulsa ang korona.
Napakasakit ng naging pag-katalo ni Parica na bago niya makaharap si Deuel sa title match, hawak niya ang malinis na record sa tournament na ito na nagtampok sa mga star-studded field ng 128 pool pros kabilang ang mga mahuhusay sa Amerika, Europe at Asia.
Abot kamay na ni Parica, na permanente ng naka-base sa Amerika ang kanyang panalo nang itala ang 4-1 kalamangan kontra Deuel. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, siya ay minalas at nagawang makapag-rally ng American cue artist upang tapyasin ang laban sa 8-9 combination na nagkaloob sa kanya ng kauna-unahang major title.
Si Deuel, inaasahang magiging tagapagmana ng multi-titled na si Earl Strickland ay tumanggap ng $15, 000, habang nagbulsa naman si Parica ng $7,500.