Climaco yuko kay Biag

Humataw agad si Dasmariñas, Cavite Kid at 11-anyos na si Ivan Gil Biag upang manguna sa ginaganap na 2001 National Age Group Chess Championships kahapon sa Kaban ng Hiyas ng Mandaluyong sa Mandaluyong City Hall.

Pinayukod ni Biag, dating 2000 National Shell Youth Active Chess grandfinals kiddies titlist si Anjoh Climaco ng Pasig City sa 42 sulungan ng slav defense upang makalikom ng 2 puntos sa Boys Under 12 bracket na kahanay nina second seed Joel Cholo Banawa, 8th seed Nelson "Elo" Mariano III at 34th seed Aaron Khrisna Rivas na ginulat si 10th seed James Berna Alindog.

Sinupil naman ni Marie Ann Dimakiling ng Davao City si NCR Karen Bacordo upang mapanatili ang liderato sa girls under 12 division ng chessfest na ito na suportado ng Philippine Chess Society sa pakiki-pagtulungan ng National Chess Federation of the Philippines, Active Chess Center of Asia, Inc., Pilipinas Shell at Siyudad ng Mandaluyong.

Ang mga iba pang nanalo sa round 2 ay sina Evangeline Alcantara ng Bicol (U-14), Angeles City bet Jelly Joy Valdez at Kimberly Jane Cunanan (U-10), Carina Espallardo (U-10), Andrea Manuel (U-10) at Christy Bernales (U-10).

Show comments