Uichico di pa sigurado sa RP Team sa 2002 Pusan Games
May 21, 2001 | 12:00am
Bagamat si Jong Uichico ang pinakamatagumpay na coach sa kasalukuyan, hindi ito magbibigay sa kanya ng katiyakang ibibigay sa kanya ng PBA ang pa-ngangasiwa ng National team sa 2002 Asian Games.
Ayon kay acting PBA Commissioner Sonny Barrios, kailangan pa nila ng masusing pagpaplano at hindi magiging basehan ang nakaraang All-Filipino Conference sa pagpili ng coach ng koponan na tutungo sa Pusan, Korea.
Sinabi ni Barrios na maaaring ikonsidera si Uichico na may perfect 5-of-5 showing sa finals sa kanyang ikatlong taon pa lamang sa liga, ngunit iginigiit nitong kailangan pa itong pag-usapan.
Ang nasa isip ngayon ni Barrios ay imungkahi sa PBA Board of Governors na magkaroon ng break ang liga sa panahong wala sa bansa ang bubuuing national team na lalaban sa gintong medalya sa Asian Games.
"Weve participated in three Asian games and our gates really suffered during the games. Kung sa akin lang, dapat magpahinga na lang kami habang nandoon ang mga stars namin," ani Barrios.
Binanggit ni Barrios ang pangalan ni Perry Ronquillo na kabilang sa mga top candidates para sa coaching job." Si Perry, simple pero malalim," ani Barrios sa coach na naghatid sa Shell sa dalawang kampeonato.
Mayroon ding PBL title si Ronquillo bukod pa sa kanyang karanasan sa amateur international competition matapos maging assistant ni Norman Black sa 1994 Hiroshima Asiad.
Ang malaking bagay kay Uichico ay ang katotohanang nasa likuran nito si Ron Jacobs.
Nakatakda nang kunin ng PBA ang serbisyo ni Jacobs noong 1998, ngunit napuwersa itong ibigay ang trabaho kay Tim Cone dahil sa pressure mula sa Basketball Coaches Association of the Philippines na noon ay pinamumunuan ni Chito Narvasa.
Sa likod ng mahabang paghahanda na ginastusan ng P20 milyon ng PBA, nagkasya lamang sa bronze medal ang Philippines sa likod ng China at South Korea.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am