Obena naghari sa Shell 2T Triple Tricycle Challenge

CAUAYAN CITY, Isabela--Matagumpay na nalampasan ni Juanito Obena ang lahat ng pagsubok pati parteng may kinalaman sa batas trapiko upang pagharian ang 931 entries ng Shell 2T Triple Tricycle King Challenge na ginanap sa parking grounds ng city hall dito kamakailan.

Tumanggap ng malaking cash prize si Obena mula sa event presentor Shell 2T Tricycle motor at gear oil at sponsors Transpeed Mktg., Fuji Film, Silverstar Cycle Wheels, Isabela Hotel at Cindy’s Isa-bela pati na ang runner-up na sina Bonifacio Materum at Raymundo Asuncion.

Samantala, si Joel Soriano ang nag-uwi ng best looking Tricycle award kalakip ang isang unit ng Silverstar side wheel. Si Reynaldo Baylon ang pumangalawa. Pinagka-ooban rin ng konsolasyon na premyo sina Ronald Salazar, Michael Dalapang at Ernesto Pascua.

Show comments