^

PSN Palaro

Balauitan, Amandoron nagpasiklab

-
Napawi ang lahat ng alinlangan ni PATAFA chief Go Teng Kok kay Lerma Bulauitan nang komopo ito ng dalawang gintong medalya, habang nagpasiklab naman si Geralyn Amandoron sa pamamagitan ng kanyang SEA Games record beating performance sa ikalawang araw ng aksi-yon sa 2001 Milo National Open Invitational Track and Field Championships sa Rizal Memorial Stadium kahapon.

Bago sumapit ang torneong ito ay nag-aalinlangan si Go kay Bulauitan sa kanyang performance, ngunit matapos ang kanyang gold medal finish sa long jump at 100-m dash ay naging kumpiyansa si Go kaya’t siniguro na nito ang pangalan ni Bulauitan sa national team na sasabak sa Southeast Asian Games sa September sa Kuala Lumpur Malaysia at sa katunayan ay isa na rin ito sa inaasahan ng PATAFA president na makapagbi-bigay ng SEAG gold.

"Ang una kong prediction ay 7-gold medals pero after today, siguro kulang na ang 7-golds. ‘Yan si Bulauitan, sure gold na ‘yan," pahayag ni Go." Unti-unti nang nagpi-peak ang performance niya kaya pagdating ng SEA Games, siguradong nasa peak na ‘yan."

Si Bulauitan na kumatawan ng Philippine Army ay lumundag ng 6.25 sa women’s long jump na mas maganda kaysa sa kanyang tinalon na 6.14m sa Taiwan at 6.15m sa Thailand at nanguna rin ito sa 100-m dash sa kanyang oras na 11.6 segundo.

Labis ding natuwa si Go sa naging performance ni Amandoron na nakahigit sa SEA Games record na mas malayo sa hagis ni Zhang Guirong na kumatawan ng Singapore bagamat ito’y permanent resident pa lamang, 54.34m para sa kanyang ikalawang gintong medalya.

Si Amandoron isa rin sa inaasahang makaka-kuha ng gold sa SEA Games ay binigyan ng pabuya ng sponsor na Philippine Sports Commission na P50,000 dahil sa kanyang performance.

Ang isa pang pag-asa ng bansa na makakakuha ng gold sa SEAG ay si John Lozada na kumopo din ng ginto sa men’s 800-m run sa kanyang oras na 1:50.3 handtime o 1:50.22 sa electronic time.

Tinalo ni Bulauitan sa long jump sina Marestella Torres ng FEU (6:07m) at Morena Cestiada ng UST (6:05m) bilang bronze at silver medalists, ayon sa pagkakasunod at sina Ornanut Khandee ng Thailand (12.00) at Pradeepa Herath ng Sri Lanka (12.21) sa 100m dash.

Ginapi naman ni Lozada sina Rodrigo Tanuan ng Army (156.9) at Alley Quisay ng Virgen Milagrosa University (1.57.4) para sa second at third place finish, ayon sa pagkakasunod.

Ang iba pang inaasahang maka-gold sa SEA games ay sina Felix Deli-cano, Eduardo Buenavista at Toto Gallenero.(Ulat ni Carmela Ochoa)

ALLEY QUISAY

BULAUITAN

CARMELA OCHOA

EDUARDO BUENAVISTA

FELIX DELI

GERALYN AMANDORON

GO TENG KOK

GOLD

JOHN LOZADA

KANYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with