Namayagpag si Bravo bitbit ang 14 na puntos kasama ang 2 tres habang naibuslo nito ang 2 freethrows, 9.4 segundo ang nalalabi upang masiguro ang ikalimang panalo ng Maroons habang tinapos naman ni Whiz Lubricant Carlo Ivan Cruz ang laro sa pamamagitan ng isang jumper, 1.9 segundo ang nalalabi.
Bagamat maganda ang ipinakita nina Lubricants Alberto Nuqui, Tito Reyes Jr. at Joel Solis sa huling half ng laro ay bumagsak pa rin ito dala ang 1-5 record.
Sa iba pang laro, pinilit bumangon ng Spring Cooking Oil mula sa pagkakahimbing sa panimula ng laro at binugbog nito ang Gringo-Konica sa huling canto upang itala ang panalo sa iskor na 79-60. (Ulat ni Carol Fonceca)