^

PSN Palaro

Philips X-rage sasabog sa Mayo 18-20 sa Fort Summer Camp

-
Pupukaw na ng pansin ang Philips X-rage ngayong taon ang pinaka-eksplo-sibong sports event sa bansa sa Mayo 18-20 sa Fort Summer Camp, Bonifacio Global City.

Hatid ng Philips Consumer Electronics, isa sa nangungunang consumers electronics companies sa daigdig, tampok sa tatlong araw na Philips X-rage ang maaksiyong weekend na magbibigay sa mga kaba-taang Pilipino ng oportunidad na maging bahagi ng kasiya-siyang festival of extreme games gaya ng BMX, skateboarding at in-line skating.

Darating sa bansa ang mga top extreme sports athletes para sa special na event na ito gaya ng mga world pros na sina Joshua Heino, JD Heino, Tyler Shields, Michael Peterson, Zacky "Webber" Murphy at ng ipinagmamalaki ng Pilipinas na si Willy Santos upang mag-demonstrate sa sports na ito na nagpasikat sa kanila sa buong daigidg.

Ang mananalo rito ay magkakaroon ng tsansa na katawanin ang bansa sa Philips X-rage’s regional finals na gaganapin sa Jakarta, Indonesia. Magkakaroon rin ng tsansa ang mga best-of-the-best na makalipad patungong Woodward Camp, ang ultimate destinas-yon para sa anumang extreme sports enthusiasts. Matatagpuan sa Central Pennsylvania, U.S.A., ang naturang camp ang siyang pinakamalaking sports complex at magsisilbing training area para sa maraming top pros at Olympic medalists sa fields ng freestyle biking, skateboarding, in-line skating at gymnastics.

vuukle comment

BONIFACIO GLOBAL CITY

CENTRAL PENNSYLVANIA

FORT SUMMER CAMP

JOSHUA HEINO

MICHAEL PETERSON

PHILIPS CONSUMER ELECTRONICS

PHILIPS X

TYLER SHIELDS

WILLY SANTOS

WOODWARD CAMP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with