"It is a welcome development for the Philippine chess because the event will focus on the youth," ani ng kauna-unahang Grandmaster sa Asia ng Philippine Chess Society-organized tournament.
"I believe this kind of program will be one of the best formulas in producing great Filipino chessers of world-caliber, just like what India and Vietnam has been doing."
Aabot sa mahigit 400 talento mula sa NCR, Bicol Region, Tarlac, Davao at Ba-colod at iba pa ang magpa-pamalas ng kanilang husay sa isang linggong National Age Group showdown na ito na sanctioned ng NCFP.
Bukod sa individual honors at P138,000 kabuuang cash prize, nakataya rito ang importanteng slot para sa Asian Under-16 ASEAN Age Group, National Juniors at National Kiddies championship.
Ang mga lahok ay tatanggapin pa sa Philippine Chess Center hanggang alas-9 ng gabi ngayon. Para sa iba pang detalye tumawag sa Secretariat Head WIM Cristine Rose Mariano at Nora Managuelod sa 9293583, 4142302 (0919) 2954340.