^

PSN Palaro

Multi-titled swimmer Buhain at Del Rosario magbabahagi ng kaalaman

-
Pamumunuan ng multi-titled swimmer Eric Buhain at sportsman-actor Monsour Del Rosario ang listahan ng mga sports personalities na magbibigay ng kani-kanilang pananaw sa role ng sports sa community development sa Makati City.

Inorganisa ng Makati Amateur Sports Association, ang nasabing seminar ay naka-pokus sa kahalagahan ng palakasan at ang magiging epektyo nito sa drug addiction para sa pagmimintina ng malusog na kapaligiran sa Makati.

Sinabihan din ni MASA president Mark Joseph sina dating Asian sprint queen Lydia de Vega-Mercado, Jaime Sebastian ng weightlifting, Chris Monfort (football) Akiko Thompson (swimming) at four-time bowling World Cup champion Paeng Nepomuceno na magbigay rin ng kanilang mga naging karanasan sa field na kanilang nilahukan.

Ayon pa kay Joseph, inimbitahan rin ng MASA ang mga public school teachers bilang chief participants sa nasabing seminar. Idinagdag pa niya na buong pusong tatanggapin ang mga volunteers na ibig lumahok.

Si del Rosario, naging top taekwondo jin ng bansa noong 80s ay katulong din ni Joseph sa paglulunsad nito ng anti-drug campaign sa Makati sa pamamagitan ng sports.

AKIKO THOMPSON

CHRIS MONFORT

ERIC BUHAIN

JAIME SEBASTIAN

MAKATI

MAKATI AMATEUR SPORTS ASSOCIATION

MAKATI CITY

MARK JOSEPH

MONSOUR DEL ROSARIO

PAENG NEPOMUCENO

WORLD CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with