^

PSN Palaro

Beteranong Pinoy shooters nagpamalas ng kanilang supremidad

-
Muling ipinamalas ng mga beterano ang kani-kanilang supremidad matapos ang tatlong yugto at tatlong buwan na linggong shooting elimination na ginanap sa dalawang magkahiwalay na lugar bilang preparasyon para sa Kuala Lumpur Southeast Asian Games ngayong September.

Sa PSC-Marines’ range sa Fort Bonifacio, pinangunahan ng mga pistolerong sina Nathaniel Padilla at riffleman Emerito Concepcion ang siyam na iba pang manunudla sa mahigpit na criteria na itinakda ng POC-PSC task force.

Nakapasa si Padilla sa standard sa rapid fire ng apat na beses, habang naging maganda rin ang performance ni Concepcion sa air rifle ng tatlong ulit at isang beses sa 3-P sport rifle. Nanguna rin sina Marilu Samaco at Leilani Santiago sa sport rifle prone criteria ng tatlong beses.

At sa San Fernando, Pampanga, ipinagpatuloy ng two-time SEA Games bronze medalist Gay Josefina Corral ang kanyang pangingibabaw sa trap event ng kumana ng 62 puntos sa huling linggo sa kabila ng pagliban ng mga mahihigpit na kalaban.

Ayon kay monitoring officer Enrique Beech, dating Olympian sa shotgun, umis-kor si Corral ng apat na matataas na puntos sa daigdig at sa Asia. Tumudla rin siya ng RP record.

At noong nakaraang Sabado, pinangunahan nina Jimmy Recio at Eric Ang, magkasama sa pagkana ng ginto sa Brunei SEAG ang tatlong iba pang criteria breakers sa trap event nang umiskor ng 118 at 113 puntos, ayon sa pagkakasunod. Tumapos naman sina Jethro Dionisio ng ikatlo (111), sumunod si James Chua (109) at Arthur Tuason (108).

Ang lahat ng bumura ng mga criteria ay nakatakdang sumabak sa Italy ngayong Hunyo, habang ang mga rifle at pistol ay magpapakita naman ng aksiyon sa SEASA sa Bangkok, Thailand ngayong Hulyo.

ARTHUR TUASON

EMERITO CONCEPCION

ENRIQUE BEECH

ERIC ANG

FORT BONIFACIO

GAY JOSEFINA CORRAL

JAMES CHUA

JETHRO DIONISIO

JIMMY RECIO

KUALA LUMPUR SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with