"Akala ko may sunog sa loob ng Araneta Coliseum dahil mausok, at saka parang brownout yata," nakangiting sambit ni Limpot na ngayon palang naka-abot sa finals simula ng kanyang PBA career noong 1993. "Ganito pala sa Finals."
Tila magkahalong pagkamangha at pagkagulat ang mababasa sa kanyang mukha matapos na matalo ang Barangay Ginebra kontra San Miguel sa iskor na 75-81, na muntik ng magpababa sa morale ng team.
Subalit, di ito alintana ni Limpot. "Hindi ako masyadong nasaktan noong natalo kami, dahil nakita ko sa team naming talagang pagod na lang kami going into that game," wika ni Limpot. "Alam ko na puwede kaming bumalik dahil lamang kami sa match up speed."
"Tingnan mo kami sa Wednesday, pare, you will see the Ginebra team that worked so hard to get this far. Garantisado yan," determinadong sabi ng dating Sta. Lucia star player.
Nagdaos ang Ginebra ng kanilang workout kahapon sa PhilSports Arena ang siyang lugar ng Game 2 bukas sa ganap na alas-7:30 ng gabi at umaasa si Limpot at ang iba pang ka-temamate na kumpiyansang maitatabla ang serye.