^

PSN Palaro

1-2 finish nina Bustamante at Reyes sa JOSS Northeast 9 Ball Tour Finals

-
VERONA, New YORK-- Sa wakas nagawa na ring pantayan ni Francisco "Django" Bus-tamante ang kanyang idolo at mentor nang kanyang igupo si Efren ‘Bata" Reyes, 13-11 sa JOSS Northeast 9-Ball Tour Finals sa Turning Stone Casino resort dito noong Linggo.

Ang panalo ni Bustamante ang nagbigay sa Pilipinas ng 1-2 finish sa limang araw na double elimination tournament na ito na nagtampok sa mahuhusay na 128 to-rated pool pros na kina-bibilangan nina superstar Earl Strickland, Johnny Archer at Nick Varner ng Amerika.

Ito ang ikalawang titulo na napagwagian sa U.S. pro billiards tour ng mga protege nina Manila Sportsmen Jose G. Puyat at Aristeo G. Puyat kung saan nauna nang nag-uwi si Reyes ng korona sa Chesapeak, Virginia noong nakaraang linggo.

Ang panalo ni Bustamante ay nagkaloob sa kanya ng $15,000 at nagbulsa naman si Reyes ng $9,500 bilang ikalawang puwesto.

Tinalo ni Bustamante si Reyes, 11-4 sa quar-terfinals at umusad kontra sa kanyang kababayan at teammate sa finals matapos na pabagsakin naman si Charlie Williams ng Amerika, 11-9 sa semifinals.

AMERIKA

ARISTEO G

BALL TOUR FINALS

BUSTAMANTE

CHARLIE WILLIAMS

EARL STRICKLAND

JOHNNY ARCHER

MANILA SPORTSMEN JOSE G

NICK VARNER

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with