^

PSN Palaro

RTU Mandaluyong kampeon sa National Open Women's Softball

-
Malolos City - Umiskor ng single sa leftfield si Aileen Abello sa extra inning na naging susi sa 6-5 panalo ng RTU-Mandaluyong kontra sa Adamson Lady Falcons upang mapagwagian ang titulo sa 2001 National Women’s Softball championship na itinataguyod ng Philippine Sports Commission at Malolos Mayor Resty Roque sa Matimbo Elementary School ground dito.

Mahigpit na naglaban ang dalawang team at tila see-saw sa pagpapalitan ng score ng ilang beses at nagtabla sa 5-all sa pagtatapos ng regulation seven inning.

Nauna rito, nagwagi din ang RTU kontra sa University of Batangas, 2-0, sa runs nina Janebeb Balbuena at Mechil Cristobal para maghintay sa team na makakalaban sa kampeonato.

Sa kabilang dako, ang Adamson naman ay nanalo sa Rizal 5-3, sa pamama-gitan ng tatlong sunod-sunod na hits nina Gina Salvador, Neli Lara at Jenny de Jesus sa 9th inning na nag-produced ng dalawang runs sa laro na nagtapos sa 3-all sa regular 7 inning game.

ADAMSON LADY FALCONS

AILEEN ABELLO

GINA SALVADOR

JANEBEB BALBUENA

MALOLOS CITY

MALOLOS MAYOR RESTY ROQUE

MATIMBO ELEMENTARY SCHOOL

MECHIL CRISTOBAL

NATIONAL WOMEN

NELI LARA

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with