Ang 22 anyos na si Amandoron, tubong Dalaguete, Cebu ay sumungkit ng nag-iisang gold medal para sa bansa sa Day 3 sa distansiyang 51M, higit ng isang metro at kalahati ni Erlinda Lavandia na 49.24M na kanyang inirehistro sa RP-USSR Dual meet noong 1984.
Isang sensational performance ang ipinamalas ni Amandoron, na nakatakdang tumanggap ng P5,000 insentibo mula sa Philippine Sports Commission at karagdagang bonus mula kay athletics chief Go Teng Kok sa limang araw na event na ito na humatak ng 29 bansa kabilang na ang powerhouse China.
Hindi naman naging kasingsuwerte ni Amandoron ang isa pang local bet na si Mitchell Martinez nang magtapos lamang na panglima sa shotput event na napagwagian ng Thai matapos bumato ng 17.38M.
Ang Philippines, na gagamitin ito at ang 2001 Mile Invitational Track and Field championships na nakatakda sa Mayo17-20 sa Rizal Memorial Complex na sukatan kung hanggang saan ang kanilang kakayahan para sa Kuala Lumpur Southeast Asian Games, ay umaasa ng all out performance sa Day 4 makaraang ang ilang bilang ng Pinoy ay nagparamdam na ng kanilang presensiya.
Ito ay sina John Lozada na nagwagi ng unang gold ng bansa noong Huwebes sa 1,500M run, Lerma Buluaitan, Mares-tella Torres at ang 4x400M relay team nina Ernie Candelario, Jimar Aying, Abdul Rahim at Raphie Pilas-pilas.
Lalaban din para sa gold medal si Allan Ballester, 2000 Sydney Olympics veteran Eduardo Buenavista at Christabel Martes, na handa na sa kanyang paboritong 5,000M run.
Sa kasalukuyan, ang Philippines ay may naipon ng 4 gold medals, 5 silvers at 3 bronze, ilang medalyang layo na lamang sa 6 gold, 7 silver at 9 bronze medals na pagtatapos noong naka-raang taon.
Impresibo si Amandoron na dinaig si Chat-wadee Suthorn ng regional rival Thailand ng mahigit isang metro. Si Suthorn ay nagtapos sa distansiyang 49.70M upang makuntento na lamang sa silver habang ang Uzbekistan thrower naman ay sumungkit ng bronze medal sa kanyang inihagis na 45.91M