^

PSN Palaro

Pinoy tracksters umukit ng 2 ginto

-
BANGKOK -- Umumit sina Sydney Olympian Eduardo Buenavista at Emerson Obiena ng tig-isang ginto upang ipag-patuloy ang pananalasa ng Philippines sa ikalawang araw ng hostilidad ng Thailand National Open Track and Field championship sa Thammasat Stadium dito.

Sinamantala ng 21-anyos na si Buenavista, tubong Sto. Nino sa South Cotabato ang pagkawala ng mga mahuhusay na karibal upang itala ang siyam na oras at 10.08 segundo at manguna sa 3,000-M steeplechase na sinegundahan ng kaba-bayang si Daud Mama.

Naorasan si Mama ng tiyempong 9:16.03 na may 12.17 segundong ungos sa kalaban na Thai.

Sa kabila ng kanyang tagumpay, di gaanong nasiyahan si Buenavista dahil hindi niya nakaharap ang Thai gold medal winner na si Jirasak Suthiachat sa event na ito kung saan dalawang taon na ang nakakalipas ng huli niya itong makaharap sa Brunei at nakuntento lamang ang Pinoy sa ikatlong puwesto.

Sa kabila nito, maagang dinoma ni Obiena ang men’s pole vault nang bumato ito ng 4.80 metro upang talunin ang mga kalaban mula sa Thailand at Malaysia.

Dalawa pang silver medal at bronze ang naibulsa ng 27-man RP contingent sa event na ito na ipinadala ng Philippine Sports Commission bilang bahagi ng kanilang build-up ng koponan para sa 21st edisyon ng biennial meet.

Bagamat kinapos sa kanyang ipinosteng 4,996 puntos na mababa sa kanyang personal best na 5,014, ito ay sapat na upang pumangalawa sa likod ng nanalong si Wassana Winatho ng Thailand.

Humakot si Winatho, ang Brunei Games gold medalist ng 5, 200 points para sa kanyang ikaanim na running, jumping at throwing events na pinag-labanan sa loob ng dalawang araw.

Tumapos rin si Molina ng ikatlo sa likod ng mga nanalong tracksters mula sa Kazakshtan na tumangging ibigay ang kani-kanilang sarili para sa doping test.

Naorasan naman si Cristabel Martes ng 37:40.00 na nagbigay sa kanya ng silver medal sa women’s 10,000M na napagwagian din ng isang Thai campaigner.

vuukle comment

BRUNEI GAMES

BUENAVISTA

CRISTABEL MARTES

DAUD MAMA

EMERSON OBIENA

JIRASAK SUTHIACHAT

NAORASAN

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SOUTH COTABATO

SYDNEY OLYMPIAN EDUARDO BUENAVISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with