Ginebra, giant killer
May 6, 2001 | 12:00am
Wala nang makapigil sa pagsasaya ng mga manonood ng dumating ang mga huling segundo ng laro sa deciding fifth game sa Philippine Basketball Association All-Filipino Cup semifinals.
Nangunang kinuha ng Barangay Ginebra ang titulong "Giant Killer" matapos silatin ang Shell sa iskor na 75-66 sa unang pagkakataon nito na makapasok sa PBA finals makaraang mawala si Robert Jaworski.
Sa gitna ng mga kon-trobersiya at kaguluhan ay ang dalawang manlalaro na lumabas sa kani-kanilang breakthrough sa career.
Ang una ay si Allan Caidic na matagal nang nagnanais na masubukan ang pagko-coach ng isang koponan subalit ngayon lamang taon nabigyan ng pagkakataon na patunayan ang kaniyang galing sa paghawak ng team.
Si Jun Limpot naman ay isang magaling na manlalaro na nagdala sa halos lahat na kampeonato sa kanyang team noong amateur level ngunit hindi pa kahit minsan nakatuntong sa PBA finals.
Biyernes ng gabi, kapwa hindi malilimutang tagpo para kina Caidic at Limpot, nagbigay daan sa dalawa upang maabot ang kanilang mga pangarap.
Ngayong gabi, di pamilyar na teritoryo ang tatahakin ng magagaling na manlalarong ito gayunpaman, kapwa sila handa at walang takot.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am