Giv, PharmaQuick magpapalakas sa PBL Chairman's Cup
May 5, 2001 | 12:00am
Papalakasin ng Giv Beauty Soap at Pharma-Quick ang kanilang tsansa sa quarterfinal round sa kanilang pakikipagsa-gupa sa dalawang mag-kahiwalay na laban nga-yong hapon sa pagpapatuloy ng 2001 PBL Chair-mans Cup sa Makati Coliseum.
Maghaharap ang Giv at Hapee Toothpaste sa ganap na alas-2 ng hapon samantalang babanggain ng Pharma-Quick ang Osaka sa alas- 4.
Taglay ng Soap Masters ang 3-3 record subalit hindi pa rin kumpiyansa si Coach Nat Canson dahil higit na paghahanda ang dala ng Teeth Sparklers mula sa kanilang panalo laban sa Osaka.
"Dahil mahaba ang pahinga nila, I expect na napaghandaan na nila kami ng husto, thats why we have to be extra cautious against them," wika ni Canson.
Kakailanganin ng Hapee na doblehin ang kanilang ipinapakitang galing upang makapasok sa semifinals ayon kay Coach Stevenson Tiu.
Sasandig si Tiu kina Jaymar Rivera at Francis Mercado upang pigilan ang pag-arangkada ni Marlon Legaspi habang si Ryan Dy at Rensy Bajar naman ay kailangang bantayan ng husto at ang three-point shooter na si Egay Billiones.
Pipilitin naman ng PharmaQuick na palakasin ang kanilang depensa upang mapatumba ang Osaka sa tulong nina ex-pros Omanzie Rodriguez at Bruce Dacia. (Ulat ni Carol Fonceca)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended