Bata, Django at Luat sali sa Turning Stone's Classic II
May 4, 2001 | 12:00am
VERONA, NEW YORK -- Sisimulan ngayon ang Turning Stone’s Classic II, isang $50,000 9-ball tournament na hatid ng The Turning Stones Casino Resort dito kung saan sasabak ang bagong hari ng masters Champion na si Efren "Bata" Reyes kasama sina Django Bustamante at Rodolfo Luat ng Philippines ang kabilang sa star-studded 128 na kalahok.
Ang tatlong protegees nina Manila Sportsmen Jose G. Puyat at Aristeo G. Puyat ay dumating dito mula sa matagumpay na paglahok sa kauna-unahang annual Masters Champions sa Chesapeake, Virginia noong nakaraang linggo. Tinalo ni Reyes si Earl "The Pearl" Strickland ng Amerika sa finals upang maibulsa ang prestihiyosong titulo habang pumanglima lamang si Bustamante.
Kabilang si Strickland sa mga lahok sa ‘The Turning Stones’ event at umaasa ang kanyang mga tagahanga dito na muling maghaharap sina Reyes at ang 5-time world champion upang ulitin ang kanilang klasikong championship match sa Chesapeake noong Linggo.
At sa Chesapeake, naghabol si Reyes kay Strickland sa kaagahan ng laban nila sa finals at naipanalo ang 9 mula 10 games upang igupo ang Amerikano sa 13-9 at iuwi ang Masters title.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am