11 aspirante sa Philippine shooting team nakapasa
May 2, 2001 | 12:00am
Labing-isang aspirante para sa Philippine rifle at pistol teams na lalahok sa Southeast Asian Games na nakatakda sa Kuala Lumpur, Malaysia ngayong Setyembre ang nakapasa sa criteria set na itinakda ng POC-PSC task force makaraan ang ikatlong yugto ng eliminations na ginanap kamakailan sa PSC-Marines ranges sa Fort Bonifacio, Makati City.
Anim na rifle shooters at limang pistolmen ang nakapasa sa mahirap na standards na itinakda sa ginanap na tryout ng Philippine National Shooting Association (PNSA).
Ayon sa monitoring officer na si Bert Landero, sa ngayon tanging sina rapid fire pistol-men Nathaniel Padilla at tatlong babaeng rifle shooters sina Rasheya Jasmin Luis, Marilu Samaco at Leilani Santiago ang nakapasa na sa criteria set sa kani-kanilang events.
Ang iba pang criteria breakers ay sina Inocentes Dionesa at Carlos Vincent Medina (rapid fire pistol), Gilbert Escobar (air pistol), Carolino Gonzales (free pistol & air pistol), Danilo Castillo, Julius Valdez (free rifle) at Emerito Concepcion (air rifle).
Gaganapin naman ang moving targets eliminations sa susunod na linggo sa San Fernando, Pampanga kung saan si Olympian Enrique Beach ang siyang magmo-monitor sa aktibidades.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended