Finals target ng magkapatid na Ginebra at San Miguel sa PBA All Filipino Cup
May 2, 2001 | 12:00am
Sa kauna-unahang pagkakataon, posibleng magharap sa kampeonato ang magkapatid na kumpanyang San Miguel Beer at Barangay Ginebra sa PBA All-Filipino Cup.
Kapwa isang panalo na lamang ang agwat ng SMBeer at Gin Kings upang maitakda ang kanilang engkuwentro sa best-of-seven championship series para sa titulo ng All Pinoy Cup.
Ito’y maisasakatuparan ngayon ng San Miguel at Ginebra sa pamamagitan ng kanilang tagumpay sa Game Four ng semifinal series laban sa magkahiwalay na katunggali sa PhilSports Arena.
Muling sasagupain ngayon ng Gin Kings ang Shell Velocity sa pambungad na laban sa ganap na alas-5:15 ng hapon na susundan naman ng pakikipaglaban ng SMBeer kontra sa Pop Cola Panthers sa dakong alas-7:30 ng gabi.
Kapwa taglay ng Gin Kings at San Miguel ang 2-1 bentahe sa kani-kanilang best-of-five semis series kaya’t obligado ang kani-kanilang mga kalaban na manalo ng dalawang sunod upang sila’y masilat.
Nakalapit sa kampeonato ang San Miguel sa All-Filipino Cup na ito na hindi pa napapagharian ng Beermen matapos ang 82-75 panalo kontra sa Panthers noong Linggo.
Sa kabilang dako, naudlot naman ang pag-usad ng Gin Kings sa finals nang makahirit ang Turbochargers sa pamamagitan ng impresibong 113-87 panalo noong Linggo rin.
"Sabik na kaming makapasok sa finals not because of a possible third straight championship but the simple fact that this is the All-Filipino Cup which is something San Miguel hasn’t won for a long time now," ani SMB coach Jong Uichico.
Dahil dito, siguradong hahataw sina Danny Ildefonso, Danny Seigle, Olcen Racela, Freddie Abuda, Boybits Victoria, Nic Belasco, Robert Duat, Dorian Penna at iba pa.
"We know that they will try to come back but we’ll go for it. We just have to sustain to intensity we showed in winning Games Two and Three. We also have to anticipate the possible adjustments, coach Reyes will do," dagdag pa ni Uichico.
Bagamat bigo s aunang pagkakataon, may dalawang tsansa pa ang Gin Kings na makausad sa kampeonato kaya’t di pa rin nawawalan ng loob ang Ginebra.
"Grabe ang nilaro ng Shell sa last game. But well forget about it and I still like our changes," ani pa ni Caidic."As gusto ko ang kinalalagyan namin kaysa sa lagay ng Shell."
Dahil dito, sigurado namang hahataw sina Jayjay Helterbrand, rookie Mar Caguioa, vergel Meneses, Jun Limpot, Bal David, Ronald Magtulis at iba pa upang tapusin na ang usapan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am