Pinoy chessers nanlamig sa Asian Zonal
April 29, 2001 | 12:00am
Isang masaklap na kabiguan ang nalasap ng Filipinos sa Asian Zonal Chess Championship nang kapwa mabigo sina Grandmasters Eugene Torre at Joey Antonio sa kani-kanilang kalaban dahilan upang ang kam-panya ng bansa ay ma-ngulimlim at dalawang rounds na lamang ang nalalabi sa isang linggong tournament na ito na ginaganap sa Laguna Room ng Grand Boulevard Hotel.
Yumukod si Torre sa tournament top seed na si Utut Adianto sa 29 moves ng English Defense, habang di rin nakaligtas ang 1998 asian Zonal titlist na si Antonio sa kapwa niya GM na si Anh Dung Nguyen ng Vietnam matapos ang 31 sulungan ng Caro-Kann.
Bunga nito, nakasalalay na lamang sa mga kamay ni GM Bong Villamayor ang isa sa dalawang nalalabing slots para sa World Championship matapos na igupo si Mark Paragua sa 35 moves Queens Pawn game upang pagandahin ang kanyang katayuan sa 4.5 puntos, may isang puntos lamang na layo sa nangungunang Vietnamese co-leaders.(Ulat ni Maribeth Repizo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest