^

PSN Palaro

Ateneo-Pioneer vs Osaka sa PBL

-
Magsasagupaan ang matagal ng magkaribal na teams, ang Ateneo-Pioneer at Osaka Iridology, sa pinakaaabangan nilang laban mamaya sa 2001 PBL Chairman’s Cup sa Makati Coliseum.

Tatangkain ng Ateneo-Pioneer na bumangon mula sa kanilang tatlong magkasunod na pagka-bigo samantalang pipilitin naman ng Iridologist’s na makamit nila ang panalo matapos ang limang sunod na pagkatalo.

Sasandig si Pumaren kina Manny Ramos, Adonis Sta. Maria, Ronald Cuan at Jessie Caba-nayan para sa tagumpay ng team habang handa naman ang mga pambato ng Ateneo na sina Enrico Villanueva, Rich Alvarez, Paul Tanchi, Edrick Ferrer at Andrew Evan Cruz, na harapin ang kabilang team.

Sa iba pang laro, susu-bukan ng Giv na gapiin ang Montana Pawnshop sa ganap na alas 2:00 ng hapon, na magdadala sa kanila ng panalo matapos ang tatlong sunud-sunod na pagkatalo.

Malaki ang paniniwala ni Soap Master’s Coach Nat Canson sa kanyang mga bata na sina Egay Billiones, Ogie Gumatay, Eric dela Cuesta, Arnold Calo at Marlon Legaspi upang tapusin ang kani-lang tatlong sunod na kamalasan. (Ulat ni C. Fonceca)

vuukle comment

ADONIS STA

ANDREW EVAN CRUZ

ARNOLD CALO

ATENEO-PIONEER

COACH NAT CANSON

EDRICK FERRER

EGAY BILLIONES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with