Caguioa-gilas ang Ginebra sa PBA All Filipino Cup
April 28, 2001 | 12:00am
Muling nagsagawa ng kabayanihan ang rookie na si Mark Caguioa nang kanyang ihatid ang Barangay Ginebra sa 74-72 panalo kontra sa Shell Velocity sa Game Two ng kanilang best-of-five semifinal series sa PBA All-Filipino Cup kagabi sa PhilSports Arena.
Umiskor si Caguiao ng winning basket sa huling 5.3 segundo ng labanan upang tagpasin ang 72-pagtatabla, na nagbigay sa Gin Kings ng 2-0 bentahe sa kanilang serye.
Iniwanan ni Caguioa ang kanyang bantay na si Jun Marzan na isinugod ang bola sa harap nina Cris Jackson at Rob Wainwright bago umiskor ng lay-up na siyang naglapit sa Ginebra sa kampeonato.
Isang panalo na lamang ang kailangan ng Gin Kings upang makausad sa best-of-seven championship series habang kinakailangan namang ma-sweep ng Turbochargers ang huling nalalabing tatlong laro sa serye upang makausad sa finals.
Bagamat may tsansang agawin ng Shell ang panalo, nabalewala ang kanilang huling posesyon nang mawala sa kamay ni Benjie Paras ang bola at alisto itong natapik ni Bal David na nakahugot ng foul.
Binigyang kredito ni coach Allan Caidic ang kanyang mga beteranong players. "I give it to my veterans, sina Vergel Meneses, Jun Limpot at Bal David. Everytime na ipinapasok mo sila, they give it their best kaya makikita mo ang sacrifices nila."
Pinangunahan ni Limpot ang Ginebra sa paghakot ng 18 puntos kasunod si Caguioa na nagtapos ng 14 puntos, habang sina Meneses at Ronald Magtulis ay may tig-11 puntos.
Habang sinusulat ang balitang kasalukuyang naglalaban para sa kanilang sariling serye ang Pop Cola at San Miguel Beer.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended