PYBL, dadako sa San Fernando, Pampanga

Susubukan ng University of Assumption na mapanatili sa kanila ang pangunguna sa kanilang paghaharap ng defending champion Boysen-MLQU mamayang 4:00 ng hapon sa pagpapatuloy ng 1st Crystal Spring-PYBL Title Cup sa Pampanga.Tatangkain naman ng mga Paintboys na patunayan na sila pa rin ang nangungunang koponan sa PYBL matapos silang padapain ng University of the Philippines sa laro noong nakaraang araw. Pangungunahan ang Univ. of Assumption ng kanilang mga pambato na sina Welihado Duyag at Vincent John Santos samantalang hindi pa rin padadaig ang star players ng Boysen na sina Edilito Saygo at Marphil Limbo.

Puspusan naman ang paghahanda ng koponang Whiz Super Oil Treatment upang makabangon mula sa kanilang dalawang sunod na pagkatalo sa kanilang laban sa Regent Cheese Ball ganap na 2:00 ng hapon. (Ulat ni Carmela Fonceca)

Show comments