Sinamantala ni Donguines ang di magandang porma ni Torre upang magaang na isulong ang 37th moves na panalo upang makalikom ng tatlong puntos at makasosyo sa liderato ang tatlong iba pang GMs.
Pinanood lamang ng 35-anyos na dating Olympian ang paglunsad ng Paulsen variation ng Sicilian, ang larong siyang paborito ni Donguines.
Ang panalo ay nagkaloob kay Donguines ng pakikipagtabla sa pamumuno na may tatlong puntos kasama sina Indon GM Utut Adianto at Anh Dung Nguyen na nakipaghatian ng puntos sa 39 moves sa Queens Indian Defense.
Nauna rito, pinayukod ng 16-anyos IM Mark Paragua si FIDE Master at wild card entry Ildefonso Datu matapos ang 45 moves ng Scotch Opening upang makasalo sina Adianto, Nguyen at Donguines.
Natapos naman sa draw ang marathon na labanan nina Grandmaster Joey Antonio at Thien Hai Dao matapos ang 54-moves ng Sicilian-Rossolimo para makasalo ang tatlong iba pang may tatlong puntos sa liderato.
Sa kababaihan, muling ipinagpatuloy ni WIM Beverly Mendoza ang kampanya ng Pilipinas nang kanyang igupo ang Mongolians at 13th seed Dashdondog Soyolmaa sa 31 sulungan ng Queens Pawn opening.