^

PSN Palaro

Grandmaster Torre tinalo ni FIDE Master Donguines

-
Gumawa ng malaking sorpresa si FIDE Master Fernie Donguines sa ikaapat na round nang kanyang yanigin ang Grandmaster na si Eugene Torre sa pagpapatuloy ng Asian Zonal (3.2a) Chess Championship sa Laguna Room ng Grand Boulevard Hotel.

Sinamantala ni Donguines ang di magandang porma ni Torre upang magaang na isulong ang 37th moves na panalo upang makalikom ng tatlong puntos at makasosyo sa liderato ang tatlong iba pang GMs.

Pinanood lamang ng 35-anyos na dating Olympian ang paglunsad ng Paulsen variation ng Sicilian, ang larong siyang paborito ni Donguines.

Ang panalo ay nagkaloob kay Donguines ng pakikipagtabla sa pamumuno na may tatlong puntos kasama sina Indon GM Utut Adianto at Anh Dung Nguyen na nakipaghatian ng puntos sa 39 moves sa Queen’s Indian Defense.

Nauna rito, pinayukod ng 16-anyos IM Mark Paragua si FIDE Master at wild card entry Ildefonso Datu matapos ang 45 moves ng Scotch Opening upang makasalo sina Adianto, Nguyen at Donguines.

Natapos naman sa draw ang marathon na labanan nina Grandmaster Joey Antonio at Thien Hai Dao matapos ang 54-moves ng Sicilian-Rossolimo para makasalo ang tatlong iba pang may tatlong puntos sa liderato.

Sa kababaihan, muling ipinagpatuloy ni WIM Beverly Mendoza ang kampanya ng Pilipinas nang kanyang igupo ang Mongolians at 13th seed Dashdondog Soyolmaa sa 31 sulungan ng Queen’s Pawn opening.

vuukle comment

ANH DUNG NGUYEN

ASIAN ZONAL

BEVERLY MENDOZA

CHESS CHAMPIONSHIP

DASHDONDOG SOYOLMAA

DONGUINES

EUGENE TORRE

GRAND BOULEVARD HOTEL

GRANDMASTER JOEY ANTONIO

ILDEFONSO DATU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with