At sa ginanap na press conference kahapon sa Lotus Garden Hotel (dating Royal Palm Hotel), nagpakita ang 23-anyos na si Sakmuangklang na dumating noong Lunes sa bansa kasama ang kanyang business manager Hawaii-based promoter Leon Panoncillo ng matinding determinasyon na alisin ang Filipino southpaw mula sa world rankings.
"This guy (Wethya-pronounced as Weth) is no pushover. Pacquiao couldnt take him lightly because hes really tough and can pull an upset," ani Panoncillo.
Ang 12-round encounter ay tinaguriang "Rumblin by the Mountain II" ay hatid ng Gabriel "Bebot" Elorde, Jr., sa koordinasyon ni North Cotabato Governor Manny Piñol at suportado ng Negros Navigation, Royal Mandalay Hotel, Miller cigarette at San Miguel Beer.
Sa kabila nito, nasa porma si Pacquiao na manalo matapos ang kanyang limang sunod na pamamayani mula ng mawala ang kanyang world flyweight crown sa Thailand. Sinimulan niya ang kanyang pagbangon sa pamamagitan ng 2nd round stoppage kontra sa kababayang si Reynante Jamili para sa International title mula dito, sunod-sunod na ginapi ng kampeon ang kanyang apat na challenger na sina Sydney-based Arnel Barotillo, Seung Kwon Chae ng Korea, Lebanese Nadel Hussein at Tetsutora Senrima ng Japan.
Ito bale ang kauna-unahang pagkakataon na makakaharap ni Pacquiao ang Thai fighter simula ng matalo siya kay Medgeon Singsurat noong Setyembre 1999 at ayon kay Sakmuangklang, siya lamang ang makakatalo sa Pinoy.