^

PSN Palaro

Layunin ng Shark at Ana iisa sa PBL Chairman's Cup

-
Iisa ang layunin ngayon ng Shark Energy Drink at Ana Freezers--ang maisukbit ang kani-kanilang panalo upang mapanatiling matatag sa kanilang mga puwesto sa nakatakdang magkahi-walay na laban sa PBL Chairman’s Cup sa Makati Coliseum.

Ikaanim na sunod na panalo upang manatiling malinis ang kanilang kartada ang siyang target ng Shark sa kanilang pakikipagsagupa sa Ateneo-Pioneer sa alas-4 ng hapon.

Nauna rito, nais na-man ng Ana na mapala-wig ang kanilang winning streak sa limang dikit upang mapasolido ang kanilang kapit sa solong ikalawang posisyon kontra sa Osaka Iridology sa alas-2.

Bagamat mas mataas ang morale na tatapak sa playing area ang Shark, tila nangangamba si coach Leo Austria sa kanilang asignatura dahil sigurado siyang eksplo-sibong hamon ang kani-lang haharapin.

Isa sa agam-agam ni Austria ay ang ginawang paghahabol ng Ateneo sa kanilang huling laro kung saan makikita ang matin-ding determinasyon ng Insurers.

Kaya’t dobleng ingat ang kanyang gagawin upang maiwasan na madungisan ang kanilang katayuan.

At upang matupad ang kanilang misyon, kailangan kumayod ng husto sina Chester Tolo-mia, Warren Ybañez, Rolly Basilides, Rysal Castro at Gilbert Mala-banan para supilin ang kabila. (Ulat ni Maribeth Repizo)

vuukle comment

ANA FREEZERS

CHESTER TOLO

GILBERT MALA

KANILANG

LEO AUSTRIA

MAKATI COLISEUM

MARIBETH REPIZO

OSAKA IRIDOLOGY

ROLLY BASILIDES

RYSAL CASTRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with