^

PSN Palaro

Bagitong Whiz Super Oil banta laban sa Boysen

-
Bagamat bagitong koponan ang Whiz Super Oil Treatment, isa itong malaking banta sa Boysen-MLQU sa kanilang kampanya na maidepensa ang hawak na korona sa 1st Crystal Spring PYBL Title Cup na magsisimula bukas sa Makati Coliseum.

Ibabandera ni coach Hebert Magsino ang line-up ng pinagsamang talento at beteranong mga collegiate players sa pamumuno ng dating NU Bulldogs pointguard na si Jose Villaflor at dating UST forward Carlo Ivan Cruz.

Susubukan ng Lubricants ang tikas ng Boysen-MLQU sa kanilang debut sa alas-10:45 ng umaga.

Ang iba pang kilalang manlalaro ay sina dating Letran Knights Edgar Joseph Lee, ex-Zesto Juicer Larry de Guzman, NU’s Rajan Domingo at Jesse Mapanao.

Ang iba pang bubuo sa koponan ay sina Joey Buraga, Antonio Candelaria, Rodel Canino, Raydon Miranda Cuyugan, Ysmael Lituana Devera, Christian Trinidad, Amiel Quinones, Michael Alberto Nuqui--isang discovery mula sa Laguna at ang mabilis na Fil-Am na si Georvic Richardson.

AMIEL QUINONES

ANTONIO CANDELARIA

BOYSEN

CARLO IVAN CRUZ

CHRISTIAN TRINIDAD

CRYSTAL SPRING

GEORVIC RICHARDSON

HEBERT MAGSINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with