Tangalin at Cortez, kampeon sa Milo Junior Tennis Cup
April 16, 2001 | 12:00am
BAGUIO - Pinabagsak ni Andrew Tangalin si Paul Papa ng San Fernando, La Union, 6-3, 6-0 at pinayuko naman ng kanyang ka-stablemate na si Jun Cortez si Jeric Biasura ng San Fabian, Pangasinan, 7-6, 6-2 upang makopo ang kani-kanilang division title sa pagsasara ng 2001 Milo Junior Tennis Cup and Regional Workshop sa Burnham Park claycourts.
Iniuwi ni Tangalin ang korona sa boys 12-under division habang ibinulsa ni Cortez ang boys 16-under bracket at makisosyo ng eksena kina Gerard Ngo, Ronel Tan, Carlo Manalastas, Erika Roc, Angel Ngo at Nikki Antolin sa girls 12-under.
Tinalo ni Gerard si Patrick Arevalo, 6-3, 6-4 para sa unisex 10-under; nakapaghiganti naman si Tan kay Darwin Rivera, 6-0, 6-1 sa boys 14-under; nanaig si Manalastas kay Dino Ferrari, 7-5, 6-3 sa boys 18-under at dinaig ni Roc si Sharlyn Nolasco, 6-2, 6-2 sa girls 14-under.
Ginapi naman ni Angel si Merlen Andres, 6-2, 6-3 upang mapagwagian ang girls 16-under at bumalik para naman patalsikin si Maureen de Castro, 6-2, 6-1, upang makopo naman ang girls 18-under title sa Milo netfest na inorganisa ng CTW at suportado ng Adidas.
Iginawad nina club officers Miles Dugayen at Bob Pascual, club officers, Nestle executives Joey Pichay, Jackby Jaime, Flor Flores, Roland Idos at ang panauhin na si Edgar Avila ang tropeo sa mga nagwagi.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended