^

PSN Palaro

4 Pinoy shooters, nakapasa sa POC-PSC Task Force SEA Games

-
Anim na eksperto sa shotgun na kinabibilangan ng babaeng shooters ang nakapasa sa standards set ng POC-PSC Task Force SEA Games sa ginanap na ikalawang yugto ng elimination noong nakaraang Linggo sa San Fernando, Pampanga.

Pinangunahan ni SEA Games ’99 gold medalist Jimmy Recio ang apat na iba pa sa pagbaril ng itinakdang 108-criteria para sa Kuala Lumpur biennial Games.

Tumarget si Recio ng 113 ibon sa trap upang maungusan si Eric Ang na nagtala lamang ng 112. Ang dalawa ay magkakampi sa Brunei SEAG nang manalo sila ng ginto.

Umasinta naman ang beteranong si James Chua at World speed pistol champ Jethro Dionisio ng parehong 109 puntos, ngunit si Chua ang idineklarang tersera makaraan ang count back. Pumanglima si Arthur Tuason na may iskor na 108.

Magaang na nag-qualify ang nag-iisang lahok na babae na si Gay Corral, dalawang ulit na nagbulsa ng bronze sa nakaraang SEAG nang magposte ito ng 58 puntos sa ladies trap.

Sa skeet event, nabigo naman ang mga naunang criteria breakers na sina Brian Rosario at Patricio Bernardo sa kani-kanilang tangka para sa repeat performance.

ARTHUR TUASON

BRIAN ROSARIO

ERIC ANG

GAY CORRAL

JAMES CHUA

JETHRO DIONISIO

JIMMY RECIO

KUALA LUMPUR

PATRICIO BERNARDO

SAN FERNANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with