^

PSN Palaro

Pinoy boxers, naka-4 bronze medals sa Cordova Cardin Boxing Championship

-
Nilisan ng Team Philippines ang Cordova Cardin Boxing Championship noong Linggo ng gabi na dala ang apat na bronze medals at umaasa sila na magiging mas maganda naman ang kanilang magiging kampanya sa Roberto Balado Cup na nakatakda ngayong linggo sa labas ng Cuban capital.

Nabigo ang eightman team na suportada ng Philippine Sports Commission, Pacific Heights at Adidas na makarating sa finals ang sinumang boksingero nito matapos matalo ang nalalabing tatlong fighters na pag-asa ng bansa sa ginto ng yumukod sa semifinal round sa kani-kanilang mga kalaban sa "Kid Chocolate" gymnasium dito.

Natalo si flyweight Violito Payla, isang Armyman na gumapi naman sa Cuban Leon Alarcon, 12-6 sa kanyang unang laban noong Huwebes kay Maikro Romero, 5-14, gayunman hindi naging madali para sa Atlanta Olympics gold medalist ang kanyang panalo kung saan muntik pa siyang ma-knockdown ng Filipino matapos na tamaan ng ilang ulit.

Nakipaglaban ng ngipin-sa-ngipin ang 22-anyos na si Payla mula sa Cagayan de Oro kontra kay Romero sa unang dalawang rounds, at maging sa ikatlo ay nagpakita rin siya ng husay nang kanyang bigyan si Romero ng four-punch combination may 40 segundo ang nalalabi para sa standing eight count.

Ngunit nagawang makabawi ng 26-anyos na si Romero naglunsad ito ng desperadong atake sa final canto kung saan umiskor siya ng mga combination na nagbigay kay Payla ng standing eight count may 28 segundo ang nalalabi sa laban.

Humanga rin si head coach Gregorio Caliwan sa ipinakita ni Payla dahil siya lamang ang kauna-unahang foreign fighters sa meet na ito na tumalo sa isang Cuban fighter.

Matapos na matalo si Payla, sumunod naman si lightweight Joel Barriga na yumukod kay Mario Kindelan, gold medalist sa nakaraang taong Sydney Olympics at World Championships, 1-5 na sinundan ni bantam Arlan Lerio nang talunin ng isa pa ring Cuban na si Puro Pairol na pinigil ang Pinoy may ilang minuto na lamang ang nalalabi sa third round.

Bagamat nakuntento lamang sina Payla, Barriga at Lerio sa bronze gayundin si welterweight Reynaldo Galido, isang Navyman na natalo sa Cuban na si Lorenzo Aragon, 4-11 noong Sabado, ang team Philippines ay masaya na sa kanilang naging kampanya.

Ang Balado Cup ay pinalawig mula sa anim na araw simula sa Abril 12 hanggang Abril 17 dahil ang Juvenile Cup ay dapat sanang ikatlong tournament na nakalinya para sa walong Pinoy boxers dito, ngunit ito ay isinama na sa Balado Calendar.

ABRIL

ANG BALADO CUP

ARLAN LERIO

ATLANTA OLYMPICS

BALADO CALENDAR

CORDOVA CARDIN BOXING CHAMPIONSHIP

CUBAN LEON ALARCON

GREGORIO CALIWAN

JOEL BARRIGA

PAYLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with