Pinangunahan ni Bruce Dacia ang Pharmaquick sa paghakot ng 24 puntos buhat sa 8-of-11 field goals shooting tungo sa ikalawang sunod na panalo matapos ang 4 na laro.
Ramdam na ramdam ng Paint Masters ang pagkawala ni Yancy de Ocampo na tinamaan ng siko ni Omanzie Rodriguez 8:02 ang nasa orasan na naging sanhi ng ikatlong kabiguan ng Welcoat sa 4 na asignatura.
Umabante ang Paint Masters sa 58-37, 2:30 ang nasa oras ng ikatlong quarter nang tila naging maamong tupa ang tropa ni coach Junel Baculi sa ikaapat na quarter.
Isang 12-0 run ang pinangunahan nina Chito Lanete at Dacia upang itabla ang iskor sa 69-all na naging sanhi sa overtime.
Isang follow-up ni Dacia sa mintis na basket ni Leo Avenido, 5.6 segundo ang natitirang oras sa labanan.
Buhat sa 81-80 bentahe ng Welcoat matapos ang tres ni Ren Ren Ritualo at umiskor ng three-point play si Avenido buhat sa foul ni Eugene Tan at isang fastbreak ni Jay Lapinid ang sumelyo sa tagumpay ng Drug Specialists. (Ulat ni Carmela Ochoa)