^

PSN Palaro

Osaka, sinakmal ng Shark

-
Napatatag ng Shark Energy Drink ang kanilang kapit sa solong liderato matapos na talunin ang Osaka Iridology, 62-41 sa pagpapatuloy kahapon ng PBL Chairman’s Cup sa Makati Coliseum.

Nagpasiklab si Chester Tolomia nang humakot ito ng 16 puntos at siyam na rebounds nang makipagtulungan ito kay Rolly Basilides upang kumawala sa second quarter at ipalasap sa Iridologists ang kanilang ikatlong dikit na talo, habang naitala naman ng Shark ang ikaapat na panalo.

Sa unang yugto pa lamang ay agad na ipinakita ng Power Boosters ang kanilang bangis nang itala ang 36-23 kalamangan sa pagtiklop ng halftime, bago kanila itong pinalobo sa 52-30 sa pagsasara ng third period.

Ilang ulit na hinawakan ng Power Boosters ang pinakamalaking kalamangan na 26 puntos na ang huli ay sa 60-34 may tatlong minuto na lamang ang nalalabi.

Nauna rito, pinayukod ng Pharmaquick ang Montana Pawnshop, 61-52.

Kumana si Bruce Dacia ng 14 puntos para manguna sa Pharmaquick.

vuukle comment

BRUCE DACIA

CHESTER TOLOMIA

ILANG

IRIDOLOGISTS

MAKATI COLISEUM

MONTANA PAWNSHOP

OSAKA IRIDOLOGY

PHARMAQUICK

POWER BOOSTERS

ROLLY BASILIDES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with